NTEGRATED PETA
Manalastas, Shamaira Anne M.
.
(COMPUTER, FILIPINO, ESP)
08 - HEATHER
Sino nga ba ako?
Ako ay pangalawa sa apat na magkakapatid, Ang aking ina, ama, at kapatid. Silang lahat ay aking nakasama sa luob ng mahabang panahon. Kilala ko ang bawat miyembro ng aking pamilya, ganuon din naman ang aking mga kaibigan.
Alam ko ang mga bagay na hilig nilang gawin at mga lugar na lagi nilang pinupuntahan, pati mga pagkaing madalas nilang kinakain. Ganuon ko sila kakilala, ngunit sapat na ba iyon upang malaman ko kung sino talaga sila? Gaya ng aking sarili. Lubos ko na bang kilala kung sino talaga ako, bilang ako?
Ako,si Shamaira Anne M. Manalastas isang simpleng tao. Gaya ng iba mayroon din akong mga pangarap. Mga pangarap na walang katapusan. Kapag mayroon na akong mga ninanais na bagay na aking nakamit ay mayroon na namang bagong pangarap na uusbong sa aking puso at isip.
Manalastas, Shamaira Anne M.
13 | Katoliko | 5'0 | Pisces
iBA PANG IMPORMASYON TUNGKOL SA AKING SARILI:
Ipinanganak ako sa mundong ito noong ika-22 ng PEBRERO, 2009 at kinalakihan ang pangalang, "SHAMAIRA". Lumaki man na hindi GANON KAYAMAN, hindi na bali iyon, lumaki naman ako na may mabuting asal mula sa mga pangaral nina MAMA at PAPA.
Noon, minsan ay ako ay inyong matatanaw nakaupo, sa isang sulok sa tabi nag-iisa.
Huwag kayong magtaka ganoon lang talaga ako, Ako ay hindi GAANONG MATALAK SA IBANG TAO LALO NA kapag hindi ako sang-ayon sa mga ikinikilos at asal nila…
Resume
Ano nga ba ako pagdating sa ibang tao?
Ako, bilang isang kaibigan, sa tingin ko ay sapat na ang tunay na ako, upang matawag na isang mabuting kaibigan. Masaya sa oras ng tawanan, at malungkot naman sa mga panahong may suliranin ang isa sa aking mga kasama. Kaya kong sumayaw at sumabay sa lahat ng uri ng tugtugin, upang makisama. Kaya kong baguhin ang ang ilan sa mga bagay na aking nakaugalian upang magustuhan ng iba. Hindi ko nais na magsinungaling kung sino ako ngunit pakikisama naman ang aking pinapakita. Ang nais ko'y tanggapin ako sa paraan ng kung sino talaga ako. Hindi na baleng ilan lamang ang aking mga nakakasama, nakatitiyak naman akong tunay ang mga ito.
Pagdating naman sa aming tahanan, kasama na sa aking pamilya ay tunay kong maipagmamalaki ang tunay na ako. Maasahan ako sa mga gawaing bahay na hindi na kinakailangan pang utusan upang kumilos. Sa mga suliraning pampamilya naman ay mayroon na akong parte na buong puso kong ginagampanan upang malampasan ang mga problemang iyon sa tulong ng iba pang miyembro ng aking pamilya.
Narito ang aking mga paborito
2:25
4:04
Paborito ko ang kanta nina: Doja Cat, The Weeknd, Taylor Swift, Banda ng Eraserheads at marami pang iba. Paborito ko ang panghimagas katulad ng, Sorbetes, Kutsinta, at Ube. Paborito ko ang isport na Volleyball, at Basketball. Paborito ko rin ang bumili ng kung ano-anong damit na kakaiba sa mata ng mga tao.
TUMINDIG
TUMINDIG
Isa narin sa pinaka importanteng ginawa ko sa mundong ito ay nakiisa ako para sa pagbabago ng Pilipinas. Sumama ako sa maitatawag na KASAYSAYAN ng PAGMAMAHAL. Kahit hindi pa ako botante alam ko sa puso't isipan ko na may ambag ako. Ang ambag ko ay ang pagmamahal sa bayan at TUMINDIG para sa KATOTOHANAN!
At dito na nagtatapos ang sanaysay kung Sino nga ba talaga ako, ano ang kinawiwilihan ko, at kung ano ang mga paborito ko. Muli, Ako si Shamaira Anne M. Manalastas. Maraming Salamat!
Ms. Maria Lourdes T. Uru
Mr. John Billy M. Aresgado
Mrs. Violeta Daguinod